Report on Ma'am Tidor's Condition
Nagpunta kami kanina sa Amang Rodiguez Hospital para dalawin ang aming guro at naging adviser noong kami'y 3rd year High School. Nasa ICU si Ma'am at hindi kami pinalad na makausap siya pero nasilip namin ang kalagayan nya. Sabi ng nurse, hindi daw nakakapagsalita si Ma'am at half-body paralyzed sya. Titingnan pa daw kung mapapagaling ng gamot o ooperahan.
Nakakalungkot isipin na ang nakita naming Mrs. Tidor ay hindi ang guro namin na dati malakas, nakakausap namin, nagagalit sa mga mali naming ginagawa, nakikipagbiruan o nakakamusta ka sa kung ano ka na ngayon. Ang nakita namin, isang guro namin na nakadamit na puti, nakahiga, nagpapahinga, may tubo sa bibig, namamanas ang kaliwang kamay at parang hindi na magawang mabuhat ang sariling katawan -- mahina.
Bago pa kami magpunta sa hospital, inipon na namin ang perang kayang namin maitulong para kay Ma'am. Mataas na rin ang nalikom namin na pera para sa siyam(9) na taong nagpunta at nagrepresent para IV-5 class -- Elbien, Richmon, Paul, LJ, Evelyn, Wilfred, Eric, Imee, Lance.
Hindi man sapat ang naibigay namin para sa gastusin nyo sa gamot at panghospital, pero sana makatulong iyon para sa pagpapagaling nyo. See you and get well soon, Ma'am.